Pagmamahal

de Gloc-9

Tubig na iinumin mo na ay
Ipanghuhugas mo pa ng aking paa’t kamay
Saya mong mahaba na nagkagutay-gutay
Retasong pangginaw sa gabing matamlay aking inay
Nanay, mami, ina
Mama, inang, mamang, ima
Sa’min ay wala ng iba ‘di sapat ang salamat inay

Nanay, mami, ina
Mama, inang, mamang, ima
Dapat n’yong malaman isisigaw na ikaw ang aking inay
Siyam na buwan sa’yong sinapupunan dinala
Hayaan po ninyong sabihin kong ikaw ang pinaka
Mapagbigay, hindi iniisip ang sarili
At kay itay ikaw ang palaging humahalili
Pag hinipan mo ang sugat ko agad gumagaling
Pag kinukuha ko ang buhat n’yo agad umiiling

Kaya ko na ito anak, baka mahuli ka sa klase
Tinapay na pinalamanan ng baon palagi
Madaling araw kung gumising para lang makapagluto
Maghapong maglalako para sa maliit natubo
Bayad naming sa ilaw, tubig, kuryente
Kahit kulang ang sweldo palaging merong pamalengke

Mawalang galang na nanay pagpasensyahan n’yo na
Pagsuway ko ba’y pwede kong dagdagan pa ng isa
Iwasan ang pagyayabang yan ang palaging bilin n’ya
Pagsisigawan kung ga’no kapalad na ikaw ang s’yang aking ina
Tubig na iinumin mo na ay
Ipanghuhugas mo pa ng aking paa’t kamay
Saya mong mahaba na nagkagutay-gutay
Retasong pangginaw sa gabing matamlay aking inay

Nanay, mami, ina
Mama, inang, mamang, ima
Sa’min ay wala ng iba ‘di sapat ang salamat inay
Nanay, mami, ina
Mama, inang, mamang, ima
Dapat n’yong malaman isisigaw na ikaw ang aking inay

Puyat, pagod, sinat, hagod
Saing, hain, hugas, kayod
Sahod may kapos hindi ka nakakalimot
Na sindihan ang posporo
Kandilang tinusok sa ibabaw ng mamon
Na balot ng matamis regalo mo taon-taon
Tila napakabilis isang babae na ‘di marunong maningil ng buwis
Minsa’y nakakainis minamani mo ang tiis
Kapalit lang ay halik at yakap na mahigpit
Mano sa kanang kamay sa noo ididikit
Kahit gabutil na buhangin pipiliting ibalik
Parang simoy ng hangin ikaw ay walang kapalit

Mawalang galang na nanay pagpasensyahan n’yo na
Pagsuway ko ba’y pwede kong dagdagan pa ng isa
Iwasan ang pagyayabang yan ang palaging bilin n’ya
Pagsisigawan kung ga’no kapalad na ikaw ang s’yang aking ina
Tubig na iinumin mo na ay
Ipanghuhugas mo pa ng aking paa’t kamay
Saya mong mahaba na nagkagutay-gutay
Retasong pangginaw sa gabing matamlay aking inay

Nanay, mami, ina
Mama, inang, mamang, ima
Sa’min ay wala ng iba ‘di sapat ang salamat inay
Nanay, mami, ina
Mama, inang, mamang, ima
Dapat n’yong malaman isisigaw na ikaw ang aking inay
Tubig na iinumin mo na ay
Ipanghuhugas mo pa ng aking paa’t kamay
Saya mong mahaba na nagkagutay-gutay
Retasong pangginaw sa gabing matamlay aking inay

Más canciones de Gloc-9