Kung Tama Siya

de Gloc-9

Lahat ay ginawa ko
Lahat ay tinaya ko
Para sa bayan ko
Pero teka, pano kung tama sya
Ano ang napala ko
Pati buhay tinaya ko
Para sa bayan ko
Pero teka, pano kung tama sya

Tinta at panulat ang ginamit
Sa mga pahina ng libro ibinuhos ang galit
Nag-aral ng matuwid parang sangi saking anit
‘Sang dalubhasang nahasa sa hasang na kay pangit
Ng amoy nung ako’y magpasyang ituloy
Ang pag sulat ng talata na mag sisilbing apoy
Sa bawat isang pinoy na lubog sa kumunoy
Ng dayuhan ang mga balot sa kumot na tisoy

Kahit na sabi nila ako’y hindi pumapalag
Ang aking pagsulat ay isang gawain ng duwag
Bakit kailangang magpatayan ng maghapot magdamag
Kung sa kalaban ay bato at ang sandata mo’y libag
Makalipas ang isang daang taon at limampu
Ano ang aking namasdan ano ang aking natanto

Para bang ang panahon mula noon ay huminto
Sino na bang nakadaan sa nakasaradong pinto
Ito ba ang talagang gusto kong kahinatnan
Tandaan mo ang laman ng isang kasabihan
Aanhin mo ang kalayaan ng mga tinatapakan
Kung bukas sila naman ang syang mag hahariharian

Lahat ay ginawa ko
Lahat ay tinaya ko
Para sa bayan ko
Pero teka, pano kung tama sya
Ano ang napala ko
Pati buhay tinaya ko
Para sa bayan ko

Pero teka, pano kung tama sya
Ito ang sa tingin ko’y tama
At ang syang nararapat
Pero teka lang
Sa kanila’y huwag kang maawa
Yan lang ang syang nararapat
Pero teka lang

Ako’y isang batang tondo na anak ng mananahi
At sa idad na katorse mga braso’y natali
‘Di man natapos sa eskwela nagpatuloy magbasa
Nakadampot ng karunungan at namulat ang mata
Na ang nagaganap saking kapaligiran ay mali
At ang tanging sagot sa malalim na sugat ay tahi

Silang alipin ng ginto at amoy ng salapi
Mga dayuhan na dahilan ng maraming pighati
Abuso at kalupitan hindi mo dapat pagtakpan
Kung hindi ka lumaban wala kang dapat pagtakhan
Ayaw nilang magparaya may humaharang sa daan
Wala nang pakiusapan di mo subukang tadyakan
Dahil ang kinakayankayanan lamang ay mahina
Subukan mong sumigaw kahit maputulan ng dila

Ibinuwis aming buhay natunaw ang kandila
At nagbago nang itsura ng tinaas na bandila
Ito ba ang talagang gusto kong kahinatnan
Kung iisipin ang laman ng isang kasabihan
Aanhin mo ang kalayaan ng mga tinatapakan
Kung bukas sila naman ang syang mag hahariharian

Lahat ay ginawa ko
Lahat ay tinaya ko
Para sa bayan ko
Pero teka, pano kung tama sya
Ano ang napala ko
Pati buhay tinaya ko
Para sa bayan ko
Pero teka, pano kung tama sya

Ito ang sa tingin ko’y tama
At ang syang nararapat
Pero teka lang
Sa kanila’y huwag kang maawa
Yan lang ang syang nararapat
Pero teka lang

Más canciones de Gloc-9