Sudoku

de Ben Salisbury

ang ‘yong bisig
ang sandalan
‘pag nangangawit na’ng walang hintong isipan
ang ‘yong tinig
ang takbuhan
kapag walang ibang gustong mapakinggan

ikaw ang aking palagi
ako’y iyong kakampi
at kung sa hirap ay abutin
basta ba’t magkatabi

bukas, ang sulat ko’y iaabot
laman nito’y ‘wag ilagay sa limot
kalawakan ko ang ‘yong kamay
bukas, ang sampaguita kong napulot
ay ibibigay sa 'yo, o irog
at mga diwa natin ay ‘di na mawawalay

ikaw ang aking katahimikan (ikaw ang aking katahimikan)
kapag sabay-sabay ang ingay at kaguluhan
kahit nga ang kadiliman (kahit nga ang kadiliman)
kapag ikaw na ang ngumiti, matatabunan

bukas, ang sulat ko’y iaabot
laman nito’y ‘wag ilagay sa limot:
kalawakan ko ang ‘yong kamay
bukas, ang sampaguita kong napulot
ay ibibigay sa ‘yo, o irog
at mga diwa natin ay hindi na mawawalay

matatapos din ang pangungulila kong ito
ilang tulog na lamang ang bibilangin ko

ang sulat ko’y iaabot
laman nito’y ‘wag ilagay sa limot
kalawakan ko ang ‘yong kamay
bukas, ang sampaguita kong napulot
ay ibibigay sa 'yo, o irog
at mga diwa natin ay (at mga diwa natin ay)
mga puso natin ay hindi na mawawalay

Más canciones de Ben Salisbury